Pinagrealan Cave

Ang Kweba ng Pinagrealan ay unang tinawag na "Kweba ng Minuyan" na matatagpuan sa paanan ng bundok ng Sierra Madre sakop ng Bayan ng Norzagaray. Ito ay ginawang kampamento ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa pangunguna ni Heneral Sinforoso del Cruz. Ito ay naging pangunahing kuta at tanggulan ng mga manghihimagsik nang taong 1896-1897.