Pages

Processing a TIN ID Replacement

Personal Indentification is one of the most important thing that you should bring if you're going somewhere; more important than your cellphone. If you have business transactions in any financial institutions or banks, government and private agencies, and even employment, government issued IDs are necessary. Some of these are SSS, Passport, BIR TIN ID, NBI and the other. Today, just want to share my experience how simple to request a replacement for my lost TIN ID is. Here's what I did: 

Una, nag download ako ng Payment Form (BIR Form 0605) online. Paano? Hanapin lang sa Google Search ang BIR Form 0605 or Click Here >>> at i-download lang. Ipaprint ito ng tatlong kopya at siguraduhing sagutan ang mga kailangang impormasyon at  huwag kalimutang lagdaan.

Pangalawa, siguraduhing alam mo kung saang RDO ka naka-rehistro dahil kailangan mong pumunta sa bangko (except BDO) na nasa RDO na iyun upang magbayad. Sa bangko, sabihin lang sa guwardiya ang iyong transaksyon at bibigyan ka niya ng BIR Deposit Payment Slip na kailangan mo ring sagutan. Magbayad ng 100 Pesos. Matapos ma-balidate, ang bank teller ay kukunin ang dalawang kopya ng Form 0605 at ibibigay sa iyo ang isa kasama ang orihinal na BIR Deposit Payment Slip.

Pangatlo, pumunta na sa BIR Office. Kumuha ng numero at maghintay na ikaw ay matawag. Kung hindi kayo sigurado sa TIN nyo, pwede ninyong ipa-verify para sure lang.

Anim na taon nang gusto kong makakuha ng TIN ID replacement subalit diko magawa dahil may mga documento pang kailangan, gaya ng Affidavit of Loss. Ngayon, wala pang dalawang oras at naiuwi ko na ang bagong BIR TIN ID sa halagang 100 pesos.