Alam kong pamilyar sa inyo ang balkonaheng ito, kadalasang laman ito ng ating mga libro ng Kasaysayan. Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang kabuuan ng makasaysayang bahay na ito. Nakatutuwang isipin na nasa harapan ako ng isang istrukturang naging bantayog dahil sa naibigay nitong kontribusyon sa Pilipinas - ang Kalayaan. Habang tirik na tirik ang araw, ang puso ko nama'y hindi mapigilang lumundag dahil sa lubos na galak, samantalang ang ihip ng hangin naman ay may kalamigan na pumapawi sa init na aking nararamdaman.
On this balcony, President Aguinaldo proclaimed Philippine Independence in Kawit on June 12, 1898, because of successive Filipino victories in various battles. Ambrosio Rianzarez Bautista was instructed to write the act of Proclamation of Independence. The Philippine National Hymn was composed by Maestro Julian Felipe, based on the Spanish national anthem. It was formally played during the proclamation of Philippine independence in Kawit on June 12, 1898. Ang impormasyong ito ay nakatala sa loob ng Museo na nasa loob ang Mansyon.
CLICK HERE TO SEE WHAT'S ON DISPLAY INSIDE
Pagdating ko sa bahay, bigla kong naisip ang koleksyon kong lumang pera at tama nga ako, maraming denominations sa Philippine Peso na mayroong larawan nang pag-bandera sa watawat ng Pilipinas sa balkonahe ng mansyon ng mga Aguinaldo. Kasama ang Two Peso Bill sa aking mga espesyal na koleksyon ng mga Philippine Peso.
Napansin ko na ang mansyon na ito ni Heneral Emilio Aguinaldo ay napaliligiran ng mga punong kahoy na may nagagandahang mga bulaklak. Maihahalintulad ito sa Cherry Blossoms ng bansang Hapon.
Constructed sometime in the mid-19th century, this house evolved from a simple structure into a huge mansion in the 1920s. Emilio Aguinaldo donated the house to the government in 1963. Emilio was born on March 22, 1869 in Kawit and named after St. Emilio, which means holy. He was fondly called Miong, was the seventh of eight children of Carlos Aguinaldo and Trinidad Famy. His siblings were Primo, Benigno, Esteban, Tomasa, Crispulo, Ambrocio and Felicidad.
Ang larawang ito ay kuha sa kanang bahagi ng Mansyon, sa ilalim ng puno ng duhat. Sa parteng ito rin makikita ang Main Entrance ng Museo.
Katulad nang nasabi ko sa inyo, talagang mainit ang araw na ito. Gayunpaman, hindi ako mapapahinto sa pagkuha ng aking selfie sa harap mismo ng mansyon, suot ang aking "Supremo Cap" by Street Style Originals.
HOW TO GET TO THE AGUINALDO MANSION: I rode in a bus with Naic and Ternate Signboard and alighted at "Siyus," that's how the conductor pronounced it. Bus Fare: 25 Pesos. Then at Siyus, I rode in a mini-bus passing by the Emilio Aguinaldo Shrine and Museum. Bus Fare: 10 Pesos. GOING BACK TO MANILA: By the entrance of Emilio Aguinaldo Museum, I waited and rode in a bus with Lawton Signboard. Alighted in Baclaran. Bus Fare: 26 Pesos.