Dahil gugunitain nanaman natin ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa susunod na lingo, naisipan kong bisitahin ang isa sa mga pinaka sikat at makasay-sayang mansyon sa bansa - ang mansyon ng mga Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Dito lang naman iwinagayway at ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898. Ang larawan sa itaas ay kuha sa ikalawang palapag ng mansyon, kapansin-pansin ang mga antigong kagamitan at muwebles na kadalasan hindi nawawalan ng mga nakakakilabot na mga kuwento.
Ang kuwento ko ay hindi naman kakila-kilabot subalit mag-iiwan ito ng tanong sa inyong isipan. Suriin ang larawan sa itaas; makikita ninyong mayroong isang itim na pusa na nakaharang sa aking daan, kaya agad kong kinuha ang aking camera at kumuha ng isang larawan. Matapos akong mapansin ng pusa agad itong umalis palabas ng mansyon. Pansinin ninyo sa kanang bahagi ng larawan, sa back rest ng upuan, mapapansin ang isang imahe na kulay puti na parang isang hulma ng mukha. Hindi pa d'yan nagtatapos, ito pa nga:
Sa pintuan mapapansin n'yo ang isang puting ding-ding na may bintana, tama? Alam n'yo bang kapag nasa pintuan kayo, makikita nyo ang isang maliit na terrace at may hagdan sa mag-kabilang dulo, pababa ng ground. So, walang ding-ding o kahit anu mang harang na tataas pa sa isang tao. Photos below:
Nakabilog ang hagdan na aking tinutukoy (left-rear-side) papuntang souvenir shop.
Sa kabilang side naman, nakabilog ang terrace at hagdan na aking tinutukoy.
Pansinin ninyo sa larawan, yung terrace ay hindi ganun kataas at walang windows na katulad nung background nung itim na pusa. Sa harap naman nito ang libingan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Pansinin ninyo, isa itong open ground, open space, may mga puno, halaman at maganda at malinis na landscape. Paanong nag-karoon ng isang "puting ding-ding" sa larawan???
Ang larawan na kuha sa mismong terrace.
Nag-tanong din ako sa mga travel groups sa Facebook at nanghingi ng larawan na kuha sa parehas na lugar, at lumalabas nga na open space ito. Kung anu man itong "puting ding-ding" na ito, hindi natin alam. Maaaring isa itong wall sa pagitan ng ating mundo at mundo ng kababalaghan? Kayo nalang ang mag-isip. Basta ako, babalik-balikan ko ang mansyong ito dahil napaka-panatag ng aking kalooban habang nasa loob nito. Hindi maitatago ang halaga na naibigay nito sa ating bansa.