Photo above: Britania Island, San Agustin, Surigao del Sur. This generation, technology evolution is really fast, especially with cameras. I can still remember the classic words like Fujifilm, AGFA as endorsed by Aga Mulach, analog/film camera, rewind, pa-develop, pa re-copy, wag buksan baka ma-expose and many others. It was in 2002 when I was able to use and capture a picture using my friend's digital camera. After fifteen years, here were are with the touch screen technology, hundred Millimeter lenses, filters, image stabilizers, underwater capabilities, more memory, and of course the latest which is the flying capabilities.
Ibang ganda talaga ang kayang ibigay ng mga shots na kuha ng isang flying camera. Dahil sa mataas na angulo ang kaya nitong abutin, mas malapad na kagandahan ang kaya nito makuha at talagang kakaiba ang framing. Dahil sa state of the art technology ng drone, mag-expect kana rin sa mataas na presyo at alam nating hindi lahat kayang makabili. Importante din ang mga documents na kakailanganin ng mga ito para sa registration for security. Pero nakagawa kami ng improvised drone.
Ang larawang kuha ng GoPro ay itong nasa ibaba.
Drone Shot "kuno" namin.
Wag kayong mag-alala, pare-parehas tayong hindi pa handa at kayang mag-invest sa isang drone camera. Subalit hindi ito nangangahulugang wala na tayong karapatang mag-karoon ng magagandang shots na pwedeng ihalintulad sa mga larawang kuha nito. Noong nag-backpacking kami sa Bukidnon, Misamis Oriental, Surigao, Agusan del Sur at Camiguin, naka-gawa kami ng paraan para mag-karoon ng mala-drone na larawan.
Ang mga kinailangan namin ay GoPro, pantulak ng bangka para maging nakapa-habang mono-pod, katulad ng larawan sa itaas. Medyo mabigat ang solid na kahoy kaya nangangailangan din ng matatatag na mga braso. Nakapa-simple lang ng gagawin, e set lang ang camera habang naka-tayo ang mahabang mono-pod. Galing diba?