Photo taken on boulders of Mt. Apo.
Tumawag ako sa aking Minamahal na Nanay na kasalukuyang nasa Romblon. Napag-usapan namin ang iba’t-ibang mga bagay tungkol sa aming pamilya ngunit bago matapos ang aming usapan at mag-goodbye, isang tanong ang kanyang nabitawan para sa akin: “kailan ka mag-aasawa? Dapat mag-asawa kana!” Pagkarinig ko sa kanyang tanong, agad akong natahimik at napa-isip, “oo nga naman, malapit na akong lumagpas sa numero ng isang buwan sa kalendaryo, dapat mag-isip na ako to settle.”
Ilang segundo rin siguro akong na dead air sa phone at sa mabilisang sagot, nasabi ko nalang sa kanya: “ayoko nga mag-asawa, lilibutin ko muna ang Pilipinas bago ko pag-isipan ang pag-aasawa na yan.” Sa totoo lang, I really mean it! Isa yan sa mga pangarap at tutuparin ko nang paunti-unti.
Sabi ko dati, mag-sisimula akong mag-isip ng pag-papamilya kapag nasa 27 years old na ako, pero nakalagpas na ako ngunit wala parin ako sa stage na nag-iisip ako to settle or creating my own family. Siguro natatakot akong baka dumating ang panahong mamimili ako between mag-travel at pamilya. Natatakot din siguro akong baka hindi ko maibigay ang pangangailangan sa pag-buo ng isang magandang pamilya. Sa ngayon, go with the flow lang ako, sana mabasa ito ng aking Nanay. Abangan nalang natin ang SUSUNOD na Kabanata ng aking buhay.