Lingid sa kaalaman ng karamihan,
nagmula ako sa isang pamilya na puno na pag-mamahal na binubuo ng anim na
magkakapatid at mga magulang. Ang aming pamilya ay may malakas na pundasyon na
sa kahit anung aspeto ng buhay ay napag-tatagumpayan sa pamamagitan nang
pag-tutulungan. Ang aming tahanan bagamat hindi marangya, ang pundasyon nito
ay ginawa, pinanday, at hinulma ng taong tatawagin kong Tatay – ang Haligi ng aming Tahanan at isang Karpentero.
Noong lisanin ko ang aking pamilya sa Romblon at mag-isang namuhay dito sa Kamaynilaan, natutunan kong maging independent. Marami narin akong hinarap na mga pagsubok sa buhay na kinailangan ng isang malalim at tamang pag-dedesisyon. Sa bawat desisyon na ginawa ko noon, nakakatuwang isipin na puro positibo ang resulta ang mga ito – marahil siguro sa mga pangaral na ipinamana sa akin ni Tatay.
Noong lisanin ko ang aking pamilya sa Romblon at mag-isang namuhay dito sa Kamaynilaan, natutunan kong maging independent. Marami narin akong hinarap na mga pagsubok sa buhay na kinailangan ng isang malalim at tamang pag-dedesisyon. Sa bawat desisyon na ginawa ko noon, nakakatuwang isipin na puro positibo ang resulta ang mga ito – marahil siguro sa mga pangaral na ipinamana sa akin ni Tatay.
Ngayong araw na ito, karamihan sa
mga Facebook friends ko kanya-kanyang upload ng kanilang mga pagbati sa
kanilang mga Tatay ng Happy Fathers Day! Samantala, bilang isang blogger, isa
sa pinaka-iingatan ko ay ang bawat litrato na uploaded sa blog ko. Iilan at
pili-piling mga tao lamang na aking nakasama at naging parte ng aking
paglalakbay ang mga mukha dito. Ngayong Fathers day, gusto ko sanang batiin ang
Tatay ko ng “Happy Fathers Day” kasama sana ang larawang magkasama kami,
subalit nalungkot ako dahil wala akong nakita kahit na isang larawan sa
cellphone ko.
Dahil wala sa cellphone ko,
pagka-uwi ko ng bahay nag-browse ako sa laptop ko. Ang photos ko ay mahigit
limang libo na nasa mahigit 1TB, kuha sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas: Luzon,
Visayas at Mindanao, sa iba’t-ibang events, iba’t-ibang tao, at iba’t-ibang
backgrounds. Mayroong mga nag-gagandahang mga landscapes, portraits, selfies,
groupies, jump shots, at marami pang iba. Ang iba pa nga nasa page one ng images
ng Google search, ngunit ni isang selfie o groupie kasama ang aking Tatay, wala
parin akong nakita. Kinailangan ko pang halungkatin ang mga larawang nakatago
sa aking baul na developed pa ng AGFA. Pero kinuwestiyon ko talaga ang aking
sarili, sa dinami-dami bakit ang Tatay ko pa at bakit kailangan ko pang
i-collage picture namin para kahit papaano mag-kasama kami sa larawan.
In my 19 years of existence na
kasama at kapiling ang aking pamilya sa Romblon, hindi man lamang ako nakapag-papicture
katabi ang aking Tatay. For more than eight years mula noong mabili ko ang
kauna-unahang cellphone camera ko mula sa Nokia, nakabili rin ako ng pang mayamang Olympus Underwater
Digital Camera and just lately, March 2016, Canon DSLR camera naman, hindi parin
ako nakapag-papicture kasama ang aming Ama ng Tahanan. Hindi pa naman huli ang lahat, pero
siguro pinagsisisihan ko lang ang mga nasayang na mga taon na dapat sana
mayroon kaming remembrance. Hindi lahat ng oras nand'yan siya sa aming tabi, pero ito lang masasabi ko sayo Ta'y:
“Ni
minsan hindi pa namin sayo nasasabi kung gaano ka namin kamahal. Ni minsan
hindi pa namin sayo nasabi ng personal ang mga salitang: We LOVE YOU. Ni minsan
hindi pa namin sayo nasasabing: Maraming Salamat! Ngayong araw ng mga Ama ng
tahanan, hindi ko man kayang maibili ka ng bagong cellphone kahit medyo sira na
phone mo o wala man akong extrang pera pauwi d’yan sa Odiongan, Romblon, ito na
ang tamang pag-kakataong ipa-alam sayo:
Mr. Diony Dalisay,
Happy Fathers Day! And We LOVE YOU SO MUCH!